tagal kong di nag-update ng journal ko, halos isang buwan din ang lumipas bago ko ulit i-update to, wala din naman kasi akong masyadong pinag-gagagawa nitong mga nakalipas na linggo, bukod pa sa wala namang ibang nagbabasa nitong pesteng journal na to kundi ako lang. kaya naman blah blah blah blah blah...diba?
last time nabangit ko yung panginginig ng kamay ko kaya hindi na ko masyadong gumagamit ng lapis sa pagdodrowing halos sa computer ko na lahat binubuo lahat ng mga deviations na sina-submit ko dito sa DA. hanggang ngayon nanginginig pa din yung kamay ko lalo na pag ginagamit ko na yung signpen para tapusin ko yung mga drawings ko. mas okey sana kung hindi na nanginginig yung kamay ko pero okey na rin kasi kahit papano nag-improve naman ako lalo na sa paggamt ng opencanvas1.1. kelan ko lng natuklasan kung pano gamitin yung layering at blending effects sa OC1.1 kaya ayun medyo kaialngan ko yatang baguhin lahat yung mga naunang mga wrestling fan-arts na gawa ko.
medyo malaki-laki din yung naging improvement ko lalo na sa pag dodrowing ng mukha gamit yung optical mouse pero pagdating sa mga kamay at paa, basura pa din yung mga gawa ko, pero okey na din yun at least may improvements kahit papano...
This week medyo lie-low muna sa pagsa-submit ng mga deviations dahil hinihintay ko pa yung evaluation ng mga grades ko kung qualified akong mag-enrol sa PLM para Magmasteral, sana mag qualify kahit na halos 3.00 yung GWA ko

.
pero kung hindi ako qualified mag-enrol sa PLM malamang sa TUP ang bagsak ko kukuha na lng siguro ako ng pangalawang degree Fine Arts sana kung pwede, para matuto na kong gumamit ng photoshop, (apat na pirated copies na ng phtoshop, dalawang pirated copies ng corel draw at corel paintshop pro at isang graphics tablet ang nabili ko sa Recto at sa SM Manila awa namn ng dyos hanggang ngayon di pa din ako marunong gumamit ng photoshit na yan) nakakainggit kasi yung mga vector designs at portraits na nakikita ko sa ibang mga deviant dito sa DA. medyo nakaka frustrate lalo na nung nakita ko yung DA account nung klasmeyt ko nung elementary layo na ng narating nya kung ano anong contest na yung sinalihan at naipanalo nya, samantalang ako magmula nung manalo ako sa poster making contest sa iskul nung elementary nung grade 5 ako hindi ko na sineryoso ang pagdodrowing ko. medyo ngayon lang ulit ako nagkaron ng oras para magdrowing-drowing ng mga bagay na trip ko mula nung elementry pa ko. karamihan kasi ng mga dinodrowing ko nung high school at college eh hindi ko trip i-drowing, dinodrowing ko lng kasi kailangan sa iskul. kaya sana ma-credit sa TUP yung mga subjects ko galing sa dati kong school para hindi naman abutin ulit ng four years bago ako makakuha ng pangalawang degree ko.
pero kung hindi ike-credit sa TUP yung grades ko at kailangan ko ulit ng four years para makakuha ng degree sa fine arts malamang balik na lang ulit ako sa pagtuturo ng Social Studies sa high school.
hayzz nakakatamad na talaga umistambay dito sa bahay.....
clubs I'm in
